Salmo 138:4-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Magpupuri sa inyo, Panginoon, ang lahat ng hari sa buong mundo,dahil maririnig nila ang inyong mga salita.

5. Silaʼy aawit tungkol sa inyong ginawa,dahil dakila ang inyong kapangyarihan.

6. Panginoon, kahit kayoʼy dakila sa lahat, nagmamalasakit kayo sa mga aba ang kalagayan.At kahit nasa malayo ka ay nakikilala mo ang lahat ng mga hambog.

7. Kahit na sa buhay na itoʼy may mga kaguluhan, ang buhay koʼy inyong iniingatan.Pinarurusahan nʼyo ang aking mga kaaway.Inililigtas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

8. Tutuparin nʼyo Panginoon ang inyong mga pangako sa akin.Ang pag-ibig nʼyo ay walang hanggan.Huwag nʼyong pabayaan ang gawa ng inyong kamay.

Salmo 138