Salmo 137:6-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Sanaʼy maging pipi ako kung hindi ko aalalahanin at ituturing na malaking kasiyahan ang Jerusalem.

7. Panginoon, alalahanin nʼyo ang ginawa ng mga taga-Edom nang lupigin ng Babilonia ang Jerusalem.Sinabi nila,“Sirain ninyo ito at wasakin nang lubos!”

8. Kayong mga taga-Babilonia, kayoʼy wawasakin!Mapalad ang mga taong lilipol sa inyo gaya ng ginawa ninyong paglipol sa amin.

9. Mapalad silang kukuha ng inyong mga sanggol,at ihahampas sa mga bato.

Salmo 137