5. Sanaʼy hindi na gumalaw ang kanan kong kamay kung kalilimutan ko ang Jerusalem!
6. Sanaʼy maging pipi ako kung hindi ko aalalahanin at ituturing na malaking kasiyahan ang Jerusalem.
7. Panginoon, alalahanin nʼyo ang ginawa ng mga taga-Edom nang lupigin ng Babilonia ang Jerusalem.Sinabi nila,“Sirain ninyo ito at wasakin nang lubos!”
8. Kayong mga taga-Babilonia, kayoʼy wawasakin!Mapalad ang mga taong lilipol sa inyo gaya ng ginawa ninyong paglipol sa amin.
9. Mapalad silang kukuha ng inyong mga sanggol,at ihahampas sa mga bato.