8. Pinatay niya ang mga anak na panganay ng mga Egipcio at pati na ang mga panganay ng kanilang mga hayop.
9. Gumawa rin siya dito ng mga himala at mga kahanga-hangang bagay upang parusahan ang Faraon at ang lahat niyang mga lingkod.
10. Winasak niya ang maraming bansa,at pinatay ang kanilang makapangyarihang mga hari,
11. katulad nina Sihon na hari ng Amoreo, Haring Og ng Bashan,at ang lahat ng hari ng Canaan.
12. At kinuha niya ang kanilang mga lupain at ibinigay sa mga mamamayan niyang Israelita upang maging kanilang pag-aari.
13. Panginoon, ang inyong pangalan at katanyagan ay hindi malilimutan sa lahat ng salinlahi.
14. Dahil patutunayan nʼyo, Panginoon, na ang inyong lingkod ay walang kasalanan,at silaʼy inyong kahahabagan.
15. Ang mga dios ng ibang mga bansa ay mga yari sa pilak at ginto na gawa ng tao.
16. May mga bibig, ngunit hindi nakakapagsalita;may mga mata, ngunit hindi nakakakita.
17. May mga tainga, ngunit hindi nakakarinig,at silaʼy walang hininga.
18. Ang mga gumawa ng dios-diosan at ang lahat ng nagtitiwala rito ay matutulad sa mga ito na walang kabuluhan.
21. Purihin ninyo ang Panginoon na nasa Zion, ang bayan ng Jerusalem na kanyang tahanan.Purihin ang Panginoon!