Salmo 135:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo siya, kayong mga lingkod niya,

2. na naglilingkod sa templo ng Panginoon na ating Dios.

3. Purihin ninyo ang Panginoon, dahil siya ay mabuti.Umawit kayo ng mga papuri sa kanya, dahil ito ay kaaya-aya.

19-20. Kayong mga mamamayan ng Israel, pati kayong mga angkan ni Aaron at ang iba pang mga angkan ni Levi, purihin ninyo ang Panginoon!Kayong mga may takot sa Panginoon, purihin ninyo siya!

Salmo 135