1. Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo siya, kayong mga lingkod niya,
2. na naglilingkod sa templo ng Panginoon na ating Dios.
3. Purihin ninyo ang Panginoon, dahil siya ay mabuti.Umawit kayo ng mga papuri sa kanya, dahil ito ay kaaya-aya.
4. Purihin ninyo siya dahil pinili niya ang mga mamamayan ng Israel na mga lahi ni Jacob, na maging espesyal niyang mamamayan.
5. Alam kong ang Panginoon ay higit na dakila kaysa sa alinmang dios-diosan.
6. Ginagawa ng Panginoon ang anumang nais niya sa langit, sa lupa, sa dagat at sa kailaliman nito.
7. Dinadala niya paitaas ang mga ulap mula sa malayong dako ng mundo,at pinadala ang kidlat na may kasamang ulan.Inilabas din niya ang hangin mula sa kinalalagyan nito.
8. Pinatay niya ang mga anak na panganay ng mga Egipcio at pati na ang mga panganay ng kanilang mga hayop.
9. Gumawa rin siya dito ng mga himala at mga kahanga-hangang bagay upang parusahan ang Faraon at ang lahat niyang mga lingkod.
10. Winasak niya ang maraming bansa,at pinatay ang kanilang makapangyarihang mga hari,
11. katulad nina Sihon na hari ng Amoreo, Haring Og ng Bashan,at ang lahat ng hari ng Canaan.
12. At kinuha niya ang kanilang mga lupain at ibinigay sa mga mamamayan niyang Israelita upang maging kanilang pag-aari.
13. Panginoon, ang inyong pangalan at katanyagan ay hindi malilimutan sa lahat ng salinlahi.
14. Dahil patutunayan nʼyo, Panginoon, na ang inyong lingkod ay walang kasalanan,at silaʼy inyong kahahabagan.