Salmo 132:13-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. Hinangad at pinili ng Panginoon ang Zion na maging tahanan niya. Sinabi niya,

14. “Ito ang aking tirahan magpakailanman;dito ako maninirahan dahil ito ang nais ko.

15. Bibigyan ko ang Zion ng lahat niyang pangangailangan,at kahit ang mga mamamayan niyang dukha ay bubusugin ko ng pagkain.

16. Ililigtas ko ang kanyang mga pari,at ang kanyang tapat na mamamayan ay aawit sa kagalakan.

17. “Paghahariin ko sa Zion, ang haring mula sa angkan ni David,at gagawin ko siyang parang ilawang pumapatnubay sa mga tao.

18. Hihiyain ko ang kanyang mga kaaway, ngunit pauunlarin ko ang kaharian niya.”

Salmo 132