10. Alang-alang kay David na inyong lingkod,huwag nʼyong itatakwil ang haring inyong hinirang.
11. Nangako kayo noon kay David,at itoʼy tiyak na inyong tutuparin at hindi babawiin. Sinabi nʼyo, “Isa sa iyong angkan ang papalit sa iyo bilang hari.
12. At kung ang mga hari na nagmula sa iyong angkan ay susunod sa aking kasunduan at mga turo sa kanila,ang kanilang mga anak ay maghahari rin magpakailanman.”
13. Hinangad at pinili ng Panginoon ang Zion na maging tahanan niya. Sinabi niya,
14. “Ito ang aking tirahan magpakailanman;dito ako maninirahan dahil ito ang nais ko.
15. Bibigyan ko ang Zion ng lahat niyang pangangailangan,at kahit ang mga mamamayan niyang dukha ay bubusugin ko ng pagkain.
16. Ililigtas ko ang kanyang mga pari,at ang kanyang tapat na mamamayan ay aawit sa kagalakan.
17. “Paghahariin ko sa Zion, ang haring mula sa angkan ni David,at gagawin ko siyang parang ilawang pumapatnubay sa mga tao.
18. Hihiyain ko ang kanyang mga kaaway, ngunit pauunlarin ko ang kaharian niya.”