1. Panginoon, huwag nʼyong kalilimutan si David at ang lahat ng paghihirap na kanyang tiniis.
2. Alalahanin nʼyo ang pangako niya sa inyo Panginoon, kayo na Makapangyarihang Dios ni Jacob.Ipinangako niya,
3. “Hindi ako uuwi o mahihiga man sa aking higaan
4. o matulog
5. hanggaʼt hindi ako nakakakita ng lugar na matitirhan ng Panginoon, ang Makapangyarihang Dios ni Jacob.”
6. Nang kami ay nasa Efrata nabalitaan namin kung nasaan ang Kaban ng Kasunduan,at natagpuan namin ito sa kapatagan ng Jaar.
7. Sinabi namin, “Pumunta tayo sa tirahan ng Panginoon, at sumamba tayo sa kanya sa harap ng kanyang trono.”
8. Sige na po Panginoon, pumunta na kayo sa inyong templo kasama ng Kaban ng Kasunduan na sagisag ng inyong kapangyarihan.
9. Sanaʼy palaging mamuhay ng matuwid ang inyong mga pari,at umawit nang may kagalakan ang inyong mga tapat na mamamayan.
10. Alang-alang kay David na inyong lingkod,huwag nʼyong itatakwil ang haring inyong hinirang.