Salmo 129:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Mga taga-Israel, sabihin ninyo kung paano kayo pinahirapan ng inyong mga kaaway mula nang itatag ang inyong bansa.

2. “Maraming beses nila kaming pinahirapan mula pa nang itatag ang aming bansa.Ngunit hindi sila nagtagumpay laban sa amin.

3. Sinugatan nila ng malalim ang aming likod, na parang lupang inararo.

4. Ngunit ang Panginoon ay matuwid, pinalaya niya kami sa pagkaalipin mula sa masasama.”

Salmo 129