Salmo 125:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay tulad ng Bundok ng Zion na hindi natitinag,sa halip ay nananatili magpakailanman.

2. Kung paanong ang mga bundok ay nakapaligid sa lungsod ng Jerusalem,ang Panginoon ay nasa paligid din ng kanyang mga mamamayan magpakailanman.

3. Ang masama ay hindi mananatiling namamahala sa lupaing para sa mga matuwid,dahil baka makagawa rin ng masama ang mga matuwid.

Salmo 125