Salmo 124:1-4-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. “Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin, ano kaya ang nangyari?”Sumagot kayo mga taga-Israel!

2. “Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin noong sinalakay tayo ng ating mga kaaway,

3. maaaring pinatay na nila tayo, dahil sa matinding galit nila sa atin.

4-5. Maaaring para tayong tinangay ng baha at nalunod dahil sa malakas na agos ng tubig.”

Salmo 124