6. Kasama ko ang Panginoon, kaya hindi ako matatakot.Ano ang magagawa ng tao sa akin?
7. Kasama ko ang Panginoon, siya ang tumutulong sa akin.Makikita ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway.
8. Mas mabuting manalig sa Panginoon, sa halip na magtiwala sa tao.
9. Mas mabuting manalig sa Panginoon, sa halip na magtiwala sa mga pinuno.
10. Napaligiran ako ng maraming bansang kaaway ko,ngunit sa kapangyarihan ng Panginoon silaʼy tinalo ko.
11. Totoong pinaligiran nila ako,ngunit sa kapangyarihan ng Panginoon silaʼy tinalo ko.
12. Sinalakay nila ako na parang mga pukyutan,ngunit silaʼy napatigil agad na parang sinusunog na dayami na madali lang mapawi ng apoy.Dahil sa kapangyarihan ng Panginoon, silaʼy tinalo ko.
13. Puspusan nila akong sinalakay,at halos magtagumpay na sila,ngunit tinulungan ako ng Panginoon.
14. Ang Panginoon ang aking kalakasanat siya ang aking awit.Siya ang nagligtas sa akin.
17. Hindi ako mamamatay, sa halip ay mabubuhay,at isasaysay ko ang mga ginawa ng Panginoon.
18. Kahit napakatindi ng parusa ng Panginoon sa akin, hindi niya niloob na akoʼy mamatay.
19. Buksan ninyo ang pintuan ng templo ng Panginoon para sa akin dahil papasok ako at siyaʼy aking pasasalamatan.
20. Ito ang pintuan ng Panginoon na ang mga matuwid lang ang makakapasok.
21. Magpapasalamat ako sa inyo Panginoon, dahil sinagot nʼyo ang aking dalangin.Kayo ang nagligtas sa akin.
22. Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay siyang naging batong pundasyon.
23. Ang Panginoon ang may gawa nito at tunay na kahanga-hanga sa ating paningin.
24. Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, kaya tayoʼy magalak at magdiwang.