Salmo 118:15-16-21 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Ang lahat ng mamamayan ng Israel ay magsabi, “Ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.”

3. Ang lahat ng mga angkan ni Aaron ay magsabi, “Ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.”

4. Ang lahat ng may takot sa Panginoon ay magsabi, “Ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.”

5. Sa aking kagipitan, dumulog ako sa Panginoon,at akoʼy kanyang sinagot at iniligtas.

6. Kasama ko ang Panginoon, kaya hindi ako matatakot.Ano ang magagawa ng tao sa akin?

7. Kasama ko ang Panginoon, siya ang tumutulong sa akin.Makikita ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway.

8. Mas mabuting manalig sa Panginoon, sa halip na magtiwala sa tao.

9. Mas mabuting manalig sa Panginoon, sa halip na magtiwala sa mga pinuno.

15-16. Naririnig ang masayang sigawan ng mga mamamayan ng Dios sa kanilang mga tolda dahil sa kanilang tagumpay.Ang Panginoon ang nagbigay sa kanila ng tagumpay sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan!Ang kapangyarihan ng Panginoon ang nagbibigay ng tagumpay!

17. Hindi ako mamamatay, sa halip ay mabubuhay,at isasaysay ko ang mga ginawa ng Panginoon.

18. Kahit napakatindi ng parusa ng Panginoon sa akin, hindi niya niloob na akoʼy mamatay.

19. Buksan ninyo ang pintuan ng templo ng Panginoon para sa akin dahil papasok ako at siyaʼy aking pasasalamatan.

20. Ito ang pintuan ng Panginoon na ang mga matuwid lang ang makakapasok.

21. Magpapasalamat ako sa inyo Panginoon, dahil sinagot nʼyo ang aking dalangin.Kayo ang nagligtas sa akin.

Salmo 118