Salmo 116:6-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Iniingatan ng Panginoon ang mga walang sapat na kaalaman.Nang wala na akong magawa, akoʼy kanyang iniligtas.

7. Magpapakatatag ako,dahil ang Panginoon ay mabuti sa akin,

8. sapagkat iniligtas niya ako sa kamatayan, sa kalungkutan at kapahamakan.

9. Kaya mamumuhay ako na malapit sa Panginoon dito sa mundo ng mga buhay.

10. Kahit na sinabi kong, “Sukdulan na ang paghihirap ko,” nagtitiwala pa rin ako sa kanya.

11. Sa aking pagkabalisa ay nasabi kong, “Wala ni isang taong mapagkatiwalaan.”

12. Ano kaya ang maigaganti ko sa Panginoon sa lahat ng kabutihan niya sa akin?

Salmo 116