Salmo 116:10-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

10. Kahit na sinabi kong, “Sukdulan na ang paghihirap ko,” nagtitiwala pa rin ako sa kanya.

11. Sa aking pagkabalisa ay nasabi kong, “Wala ni isang taong mapagkatiwalaan.”

12. Ano kaya ang maigaganti ko sa Panginoon sa lahat ng kabutihan niya sa akin?

13. Sasambahin ko ang Panginoon, at maghahandog ako sa kanya ng pasasalamat sa kanyang pagliligtas sa akin.

14. Tutuparin ko ang aking mga pangako sa Panginoon sa harap ng kanyang mga mamamayan.

15. Nasasaktan ang Panginoon kung mamatay ang kanyang mga tapat na mga mamamayan.

16. Panginoon, ako nga ay inyong lingkod.Iniligtas nʼyo ako sa pagkabihag.

17. Sasamba ako sa inyoat mag-aalay ng handog bilang pasasalamat.

18. Tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo sa harap ng inyong mga mamamayan,

Salmo 116