Salmo 116:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Mahal ko ang Panginoon,dahil dinidinig niya ang paghingi ko ng tulong sa kanya.

2. Dahil pinakikinggan niya ako,patuloy akong tatawag sa kanya habang akoʼy nabubuhay.

3. Natakot ako dahil nararamdaman kong malapit na akong mamatay.Ang kamatayan ay parang tali na pumupulupot sa akin.Nag-aalala ako at naguguluhan,

4. kaya tumawag ako sa Panginoon,“Panginoon, iligtas nʼyo po ako.”

Salmo 116