Salmo 115:6-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. May mga tainga, ngunit hindi nakakarinig;may ilong, ngunit hindi nakakaamoy.

7. May mga kamay, ngunit hindi nakakahawak;may mga paa, ngunit hindi nakakalakad,at kahit munting tinig ay wala kang marinig.

8. Ang mga gumawa ng mga dios-diosan at nagtitiwala rito ay matutulad sa mga ito.

11. Kayong mga may takot sa Panginoon,magtiwala kayo sa kanya.Siya ang tutulong at mag-iingat sa inyo.

12. Hindi tayo kinakalimutan ng Panginoon,pagpapalain niya ang mga mamamayan ng Israel at ang mga angkan ni Aaron.

13. Pagpapalain niya ang lahat ng may takot sa kanya, dakila man o aba.

14. Paramihin sana kayo ng Panginoon,kayo at ang inyong mga angkan.

15. Sanaʼy pagpalain kayo ng Panginoon na lumikha ng langit at ng lupa.

16. Ang kalangitan ay sa Panginoon, ngunit ang mundo ay ipinagkatiwala niya sa mga tao.

17. Ang mga patay ay hindi na makakapagpuri sa Panginoon, dahil sila ay nananahimik na.

18. Tayong mga buhay ang dapat magpuri sa Panginoon ngayon at magpakailanman.Purihin ang Panginoon!

Salmo 115