6. May mga tainga, ngunit hindi nakakarinig;may ilong, ngunit hindi nakakaamoy.
7. May mga kamay, ngunit hindi nakakahawak;may mga paa, ngunit hindi nakakalakad,at kahit munting tinig ay wala kang marinig.
8. Ang mga gumawa ng mga dios-diosan at nagtitiwala rito ay matutulad sa mga ito.
11. Kayong mga may takot sa Panginoon,magtiwala kayo sa kanya.Siya ang tutulong at mag-iingat sa inyo.
12. Hindi tayo kinakalimutan ng Panginoon,pagpapalain niya ang mga mamamayan ng Israel at ang mga angkan ni Aaron.