Salmo 115:14-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

14. Paramihin sana kayo ng Panginoon,kayo at ang inyong mga angkan.

15. Sanaʼy pagpalain kayo ng Panginoon na lumikha ng langit at ng lupa.

16. Ang kalangitan ay sa Panginoon, ngunit ang mundo ay ipinagkatiwala niya sa mga tao.

17. Ang mga patay ay hindi na makakapagpuri sa Panginoon, dahil sila ay nananahimik na.

18. Tayong mga buhay ang dapat magpuri sa Panginoon ngayon at magpakailanman.Purihin ang Panginoon!

Salmo 115