Salmo 115:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Panginoon, hindi kami ang dapat na parangalan,kundi kayo, dahil sa inyong pag-ibig at katapatan.

2. Bakit kami kinukutya ng ibang bansa at sinasabi nilang,“Nasaan na ang inyong Dios?”

3. Ang aming Dios ay nasa langit,at ginagawa niya ang kanyang nais.

4. Ngunit ang kanilang mga dios ay yari sa pilak at ginto na gawa lang ng tao.

5. May bibig sila, ngunit hindi nakakapagsalita;may mga mata, ngunit hindi nakakakita.

Salmo 115