Salmo 114:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Nakatira noon ang mga taga-Israel na lahi ni Jacob sa Egipto,na kung saan iba ang wika ng mga tao.

2. Nang papalabas na sila sa Egipto, ginawa ng Dios na banal na lugar ang Juda,at ang Israel ay kanyang pinamunuan.

3. Ang Dagat na Pula ay nahawi at ang Ilog ng Jordan ay tumigil sa pag-agos.

Salmo 114