Salmo 113:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Purihin nʼyo ang Panginoon!Kayong mga lingkod ng Panginoon, purihin nʼyo siya!

2. Purihin nʼyo ang Panginoon,ngayon at magpakailanman.

3. Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw,ang pangalan ng Panginoon ay dapat papurihan.

4. Maghahari ang Panginoon sa lahat ng bansa,ang kanyang kaluwalhatian ay hindi mapapantayan.

5. Walang katulad ang Panginoon na ating Dios,na nakaupo sa kanyang trono sa itaas.

6. Yumuyuko siya upang tingnan ang kalangitan at ang sanlibutan.

7. Tinutulungan niya ang mga dukha at nangangailangan sa kanilang kagipitan.

Salmo 113