Salmo 113:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Purihin nʼyo ang Panginoon!Kayong mga lingkod ng Panginoon, purihin nʼyo siya!

2. Purihin nʼyo ang Panginoon,ngayon at magpakailanman.

3. Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw,ang pangalan ng Panginoon ay dapat papurihan.

4. Maghahari ang Panginoon sa lahat ng bansa,ang kanyang kaluwalhatian ay hindi mapapantayan.

Salmo 113