6. Tiyak na magiging matatag ang kanyang kalagayanat hindi siya makakalimutan magpakailanman.
7. Hindi siya matatakot sa masamang balita,dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa Panginoon.
8. Hindi siya matatakot o maguguluhan,dahil alam niyang sa bandang huliʼy makikita niyang matatalo ang kanyang mga kalaban.
9. Nagbibigay siya sa mga dukha,at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman.Ang kanyang kakayahan ay lalo pang dadagdagan ng Dios upang siyaʼy maparangalan.
10. Makikita ito ng mga taong masama at magngangalit ang kanilang mga ngipin sa galit, at parang matutunaw sila dahil sa kahihiyan.Hindi magtatagumpay ang naisin ng taong masama.