1. Purihin ang Panginoon!Mapalad ang taong may takot sa Panginoon at malugod na sumusunod sa kanyang mga utos.
2. Ang mga anak niya ay magiging matagumpay,dahil ang angkan ng mga namumuhay nang matuwid ay pagpapalain.
3. Yayaman ang kanyang sambahayan,at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman.
4. Kahit sa kadiliman, taglay pa rin ang liwanag ng taong namumuhay nang matuwid,at puno ng kabutihan, kahabagan at katuwiran.
5. Pagpapalain ang taong mapagbigay at nagpapahiram,at hindi nandaraya sa kanyang hanapbuhay.