Salmo 111:3-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

3. Ang lahat ng kanyang mga gawa ay nagpapakita ng kanyang kapangyarihan at karangalan.At ang kanyang katuwiran ay nagpapatuloy magpakailanman.

4. Ipinaaalala niya ang kanyang mga kahanga-hangang gawa.Siya ay mapagbiyaya at mahabagin.

5. Binibigyan niya ng pagkain ang mga may takot sa kanya,at ang kanyang kasunduan sa kanila ay hindi niya kinakalimutan.

6. Ipinakita niya sa kanyang mga mamamayan ang kapangyarihan ng kanyang mga gawa,sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga lupain ng ibang mga bansa.

7. Tapat at matuwid ang lahat niyang ginagawa,at mapagkakatiwalaan ang lahat niyang mga utos.

8. Ang kanyang mga utos ay mananatili magpakailanman,at itoʼy ibinigay niya nang buong katapatan at ayon sa katuwiran.

Salmo 111