Salmo 109:8-20 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. Mamatay na sana siya agad at ibigay na lang sa iba ang katungkulan niya.

9. At nang maulila ang kanyang mga anak at mabiyuda ang kanyang asawa.

10. Maging palaboy sana at mamalimos ang kanyang mga anakat palayasin sila kahit na sa kanilang ginibang tahanan.

11. Kunin sana ng kanyang pinagkakautangan ang kanyang mga ari-arian,at agawin ng mga dayuhan ang kanyang pinaghirapan.

12. Wala sanang maawa sa kanya at sa mga naulila niyang mga anak kapag namatay na siya.

13. Mamatay sana ang kanyang mga angkan upang silaʼy makalimutan na ng susunod na salinlahi.

16. Dahil hindi niya naiisip na gumawa ng mabuti,sa halip ay inuusig at pinapatay niya ang mga dukha, ang mga nangangailangan at ang mga nawalan ng pag-asa.

17. Gustong-gusto niyang sumpain ang iba, kaya sa kanya na lang sana mangyari ang kanyang sinabi.Ayaw niyang pagpalain ang iba kaya sana hindi rin siya pagpalain.

18. Walang tigil niyang isinusumpa ang iba; parang damit na lagi niyang suot.Bumalik sana ito sa kanya na parang tubig na nanunuot sa kanyang katawan,at parang langis na tumatagos sa kanyang mga buto.

19. Sanaʼy hindi na ito humiwalay sa kanya na parang damit na nakasuot sa katawan o sinturon na palaging nakabigkis.”

20. Panginoon, sanaʼy maging ganyan ang inyong parusa sa mga nagbibintang at nagsasalita ng masama laban sa akin.

Salmo 109