5. Sa kabutihang ginagawa ko sa kanila, masama ang iginaganti nila.At sa aking pag-ibig, ibinabalik nilaʼy galit.
6. Sinasabi nila, “Maghanap tayo ng masamang tao na kakalaban sa kanya,at magsasampa ng kaso sa hukuman laban sa kanya.
7. At kapag hinatulan na siya, lumabas sana na siya ang may kasalanan,at ituring din na kasalanan ang kanyang mga panalangin.
8. Mamatay na sana siya agad at ibigay na lang sa iba ang katungkulan niya.
9. At nang maulila ang kanyang mga anak at mabiyuda ang kanyang asawa.
10. Maging palaboy sana at mamalimos ang kanyang mga anakat palayasin sila kahit na sa kanilang ginibang tahanan.
11. Kunin sana ng kanyang pinagkakautangan ang kanyang mga ari-arian,at agawin ng mga dayuhan ang kanyang pinaghirapan.
12. Wala sanang maawa sa kanya at sa mga naulila niyang mga anak kapag namatay na siya.