27. At malalaman ng aking mga kaaway na kayo Panginoon ang nagligtas sa akin.
28. Isinusumpa nila ako, ngunit pinagpapala nʼyo ako.Mapapahiya sila kapag sinalakay nila ako ngunit ako na inyong lingkod ay magagalak.
29. Silang nagbibintang sa akin ay lubusan sanang mapahiya,mabalot sana sila sa kahihiyan tulad ng damit na tumatakip sa buong katawan.
30. Pupurihin ko ang Panginoon,pupurihin ko siya sa harapan ng maraming tao.
31. Dahil tinutulungan niya ang mga dukha upang iligtas sila sa mga nais magpahamak sa kanila.