16. Dahil hindi niya naiisip na gumawa ng mabuti,sa halip ay inuusig at pinapatay niya ang mga dukha, ang mga nangangailangan at ang mga nawalan ng pag-asa.
17. Gustong-gusto niyang sumpain ang iba, kaya sa kanya na lang sana mangyari ang kanyang sinabi.Ayaw niyang pagpalain ang iba kaya sana hindi rin siya pagpalain.
18. Walang tigil niyang isinusumpa ang iba; parang damit na lagi niyang suot.Bumalik sana ito sa kanya na parang tubig na nanunuot sa kanyang katawan,at parang langis na tumatagos sa kanyang mga buto.
19. Sanaʼy hindi na ito humiwalay sa kanya na parang damit na nakasuot sa katawan o sinturon na palaging nakabigkis.”
20. Panginoon, sanaʼy maging ganyan ang inyong parusa sa mga nagbibintang at nagsasalita ng masama laban sa akin.
21. Ngunit Panginoong Dios, tulungan nʼyo ako upang kayo ay maparangalan.Iligtas nʼyo ako dahil kayo ay mabuti at mapagmahal.
22. Dahil akoʼy dukha at nangangailangan, at ang damdamin koʼy nasasaktan.
23. Unti-unti nang nawawala ang aking buhay. Itoʼy parang anino na nawawala pagsapit ng gabi,at parang balang na lumilipad at nawawala kapag nagalaw ang dinadapuan.
24. Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa pag-aayuno.Akoʼy payat na payat na.
25. Akoʼy kinukutya ng aking mga kaaway.Iiling-iling sila kapag akoʼy nakita.
26. Panginoon kong Dios, iligtas nʼyo ako ayon sa pag-ibig nʼyo sa akin.
27. At malalaman ng aking mga kaaway na kayo Panginoon ang nagligtas sa akin.
28. Isinusumpa nila ako, ngunit pinagpapala nʼyo ako.Mapapahiya sila kapag sinalakay nila ako ngunit ako na inyong lingkod ay magagalak.