3. Panginoon, pupurihin kita sa gitna ng mga bansa.Akoʼy aawit para sa inyo sa gitna ng inyong mga mamamayan.
4. Dahil napakadakila at walang kapantay ang pag-ibig nʼyo at katapatan.
5. O Dios, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan sa kalangitan at sa buong mundo.
6. Iligtas nʼyo kami sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.Pakinggan nʼyo kami,upang kaming mga iniibig nʼyo ay maligtas.
7. O Dios, sinabi nʼyo roon sa inyong templo,“Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang Lambak ng Sucot,para ipamigay sa aking mga mamamayan.
8. Sa akin ang Gilead at Manase,ang Efraim ay gagawin kong tanggulanat ang Juda ang aking tagapamahala.
9. Ang Moab ang aking utusan at ang Edom ay sa akin din.Sisigaw ako ng tagumpay laban sa mga Filisteo.”