Salmo 107:4-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. May mga taong naglakbay sa ilang;hindi nila makita ang daan papuntang lundsod na maaari nilang tirhan.

5. Silaʼy nagutom at nauhaw at halos mamatay na.

6. Sa kanilang kahirapan, tumawag sila sa Panginoon,at iniligtas niya sila sa kagipitan.

7. At pinatnubayan niya sila papunta sa lungsod na matitirahan.

8. Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao.

9. Dahil pinaiinom niya ang mga nauuhaw,at pinakakain ang mga nagugutom.

10. May mga taong ibinilanggo at kinadenahan na nakaupo sa napakadilim na piitan.

11. Nabilanggo sila dahil nagrebelde sila sa mga sinabi ng Kataas-taasang Dios at hindi sumunod sa kanyang mga payo.

12. Kaya pinahirapan niya sila sa kanilang mabigat na trabaho.Nabuwal sila ngunit walang sinumang sumaklolo.

13. Sa kanilang kagipitan, silaʼy tumawag sa Panginoon,at silaʼy kanyang iniligtas.

14. Pinutol niya ang kanilang mga kadenaat silaʼy kinuha niya sa napakadilim na piitan.

15. Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon,dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao.

16. Dahil giniba niya ang mga pintuang tansoat binali ang mga rehas na bakal.

17. May mga naging hangal dahil sa kanilang likong pamumuhay,at silaʼy naghirap dahil sa kanilang kasalanan.

Salmo 107