Salmo 107:32-43 Ang Salita ng Dios (ASND)

32. Dapat nilang parangalan ang Dios sa kanilang pagtitipon,at purihin siya sa pagtitipon ng mga namamahala sa kanila.

33. Nagagawa ng Panginoon ang ilog na maging ilang,at ang mga bukal na maging tuyong lupa.

34. Nagagawa rin ng Panginoon na walang maani sa matabang lupa,dahil sa kasamaan ng mga naninirahan doon.

35. Nagagawa rin niya ang ilang na maging tubigan,at sa mga tuyong lupain ay magkaroon ng mga bukal.

36. Pinapatira niya roon ang mga taong nagugutom,at nagtatayo sila ng lungsod na kanilang tatahanan.

37. Nagsasabog sila ng binhi sa bukirin at nagtatanim ng ubas,kaya sagana sila pagdating ng anihan.

38. Silaʼy pinagpapala ng Dios, at pinararami ang kanilang angkan.Kahit ang kanilang mga alagang hayop ay nadadagdagan.

39. Ngunit dahil sa pang-aapi, kahirapan at pagkabagabag, silaʼy nabawasan at napahiya.

40. Isinusumpa ng Dios ang mga umaapi sa kanila,at silaʼy ililigaw at gagala sa ilang na walang daan.

41. Ngunit tinulungan niya ang mga dukha sa kanilang kahirapan,at pinarami ang kanilang sambahayan na parang kawan.

42. Nakita ito ng mga matuwid at silaʼy nagalak,ngunit tumahimik ang masasama.

43. Ang mga bagay na itoʼy dapat ingatan sa puso ng mga taong marunong,at dapat din nilang isipin ang dakilang pag-ibig ng Panginoon.

Salmo 107