Salmo 107:19-28 Ang Salita ng Dios (ASND)

19. Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa Panginoon,at iniligtas niya sila.

20. Sa kanyang salita silaʼy nagsigalingat iniligtas niya sila sa kamatayan.

21. Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon,dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao.

22. Dapat silang mag-alay ng handog ng pasasalamat sa kanyaat ihayag ang kanyang mga ginawa nang may masayang pag-aawitan.

23. May mga taong sumakay sa mga barko at nagbiyahe sa karagatan, dahil ito ang kanilang hanapbuhay.

24. Nakita nila ang kahanga-hangang mga gawa ng Panginoon sa karagatan.

25. Sa utos ng Panginoon, ang hangin ay lumakas at lumaki ang mga alon.

26. Kaya pumapaitaas ang kanilang barko nang napakataas at pumapailalim.At silaʼy nangatakot sa nagbabantang kapahamakan.

27. Silaʼy susuray-suray na parang mga lasing,at hindi na alam kung ano ang gagawin.

28. Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa Panginoon,at silaʼy iniligtas niya mula sa kapahamakan.

Salmo 107