1. Magpasalamat kayo sa Panginoon, dahil siyaʼy mabuti;ang pag-ibig niyaʼy magpakailanman.
2. Sabihin ninyo ito, kayo na iniligtas niya sa kamay ng mga kaaway.
3. Dahil tinipon niya kayo mula sa silangan, kanluran, timog at hilaga.
4. May mga taong naglakbay sa ilang;hindi nila makita ang daan papuntang lundsod na maaari nilang tirhan.
5. Silaʼy nagutom at nauhaw at halos mamatay na.