44. Ngunit kapag silaʼy tumatawag sa Dios, tinutulungan pa rin niya sila sa kanilang mga kahirapan.
45. Inaalaala ng Dios ang kanyang kasunduan sa kanila,at dahil sa kanyang malaking pag-ibig sa kanila,napawi ang kanyang galit.
46. Niloob niya na silaʼy kaawaan ng mga bumihag sa kanila.
47. Panginoon naming Dios iligtas nʼyo kami,at muling tipunin sa aming lupain mula sa mga bansa,upang makapagpasalamat kami at makapagbigay-puri sa inyong kabanalan.
48. Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, magpakailanman.At ang lahat ay magsabing,“Amen!”Purihin ang Panginoon!