Salmo 106:38-43 Ang Salita ng Dios (ASND)

38. na mga dios-diosan ng Canaan.Dahil sa pagpatay nila sa walang malay nilang mga anak, dinungisan nila ang lupain ng Canaan

39. pati ang kanilang mga sarili.Dahil sa kanilang ginawang iyon, nagtaksil sila sa Dios katulad ng babaeng nakikiapid.

40. Kaya nagalit ang Panginoon sa kanyang mga mamamayan,at silaʼy kanyang kinasuklaman.

41. Ipinaubaya niya sila sa mga bansang kanilang kaaway,at sinakop sila ng mga bansang iyon.

42. Inapi sila at inalipin ng kanilang mga kaaway.

43. Maraming beses silang iniligtas ng Dios,ngunit sinasadya nilang maghimagsik sa kanya,kaya ibinagsak sila dahil sa kanilang kasalanan.

Salmo 106