Salmo 106:33-41 Ang Salita ng Dios (ASND)

33. Dahil nasaktan ang damdamin ni Moises, nakapagsalita siya ng mga salitang hindi na niya napag-isipan.

34. Hindi pinatay ng mga taga-Israel ang mga taga-Canaan taliwas sa utos ng Panginoon.

35. Sa halip, nakisama pa sila sa kanila at sumunod sa kanilang mga kaugalian.

36. Sinamba rin nila ang kanilang mga dios-diosan, at ito ang nagtulak sa kanila sa kapahamakan.

37. Inihandog nila ang kanilang mga anak sa mga demonyo

38. na mga dios-diosan ng Canaan.Dahil sa pagpatay nila sa walang malay nilang mga anak, dinungisan nila ang lupain ng Canaan

39. pati ang kanilang mga sarili.Dahil sa kanilang ginawang iyon, nagtaksil sila sa Dios katulad ng babaeng nakikiapid.

40. Kaya nagalit ang Panginoon sa kanyang mga mamamayan,at silaʼy kanyang kinasuklaman.

41. Ipinaubaya niya sila sa mga bansang kanilang kaaway,at sinakop sila ng mga bansang iyon.

Salmo 106