Salmo 106:27-35 Ang Salita ng Dios (ASND)

27. at ikakalat ang kanilang mga angkan sa ibang mga bansa at nang doon na sila mamatay.

28. Inihandog nila ang kanilang mga sarili sa dios-diosang si Baal doon sa bundok ng Peor,at kumain sila ng mga handog na inialay sa mga patay.

29. Ginalit nila ang Panginoon dahil sa kanilang masasamang gawa,kaya dumating sa kanila ang salot.

30. Ngunit namagitan si Finehas,kaya tumigil ang salot.

31. Ang ginawang iyon ni Finehas ay ibinilang na matuwid,at itoʼy hindi makakalimutan ng mga tao magpakailanman.

32. Doon sa Bukal sa Meriba, ginalit ng mga taga-Israel ang Panginoon,kaya sumama ang loob ni Moises sa kanilang ginawa.

33. Dahil nasaktan ang damdamin ni Moises, nakapagsalita siya ng mga salitang hindi na niya napag-isipan.

34. Hindi pinatay ng mga taga-Israel ang mga taga-Canaan taliwas sa utos ng Panginoon.

35. Sa halip, nakisama pa sila sa kanila at sumunod sa kanilang mga kaugalian.

Salmo 106