Salmo 106:18-28 Ang Salita ng Dios (ASND)

18. At may apoy pang naging kasunod na tumupok sa kanilang masasamang tagasunod.

19. Doon sa Horeb ay gumawa ang mga taga-Israel ng gintong bakaat sinamba nila ang dios-diosang ito.Itoʼy ginawa nilang dios at kanilang sinamba.

20. Ang kanilang dakilang Dios ay pinalitan nila ng imahen ng toro na kumakain ng damo.

21-22. Kinalimutan nila ang Dios na nagligtas sa kanila at gumawa ng mga kamangha-manghang bagay at himala roon sa Egipto na lupain ng mga lahi ni Ham, at doon sa Dagat na Pula.

23. Nilipol na sana ng Dios ang kanyang mga mamamayan kung hindi namagitan si Moises na kanyang lingkod.Pinakiusapan ni Moises ang Panginoon na pigilan niya ang kanyang galit upang hindi sila malipol.

24. Tinanggihan nila ang magandang lupain dahil hindi sila naniwala sa pangako ng Dios sa kanila.

25. Nagsipagreklamo sila sa loob ng kanilang mga tolda at hindi sumunod sa Panginoon.

26. Kaya sumumpa ang Panginoon na papatayin niya sila doon sa ilang,

27. at ikakalat ang kanilang mga angkan sa ibang mga bansa at nang doon na sila mamatay.

28. Inihandog nila ang kanilang mga sarili sa dios-diosang si Baal doon sa bundok ng Peor,at kumain sila ng mga handog na inialay sa mga patay.

Salmo 106