Salmo 106:15-19 Ang Salita ng Dios (ASND)

15. Kaya ibinigay niya sa kanila ang kanilang hinihiling,ngunit binigyan din sila ng karamdaman na nagpahina sa kanila.

16. Sa kanilang kampo, nainggit sila kay Moises at kay Aaron na itinalagang maglingkod sa Panginoon.

17. Kaya bumuka ang lupa sa kinaroroonan ni Datan at ni Abiram at ng kanilang sambahayan at silaʼy nilamon.

18. At may apoy pang naging kasunod na tumupok sa kanilang masasamang tagasunod.

19. Doon sa Horeb ay gumawa ang mga taga-Israel ng gintong bakaat sinamba nila ang dios-diosang ito.Itoʼy ginawa nilang dios at kanilang sinamba.

Salmo 106