1. Purihin nʼyo ang Panginoon!Magpasalamat kayo sa kanya dahil siyaʼy mabuti;ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.
2. Walang makapagsasabi at makapagpupuri nang lubos sa makapangyarihang gawa ng Panginoon.
3. Mapalad ang taong gumagawa nang tama at matuwid sa lahat ng panahon.
4. Panginoon, alalahanin nʼyo ako kapag tinulungan nʼyo na ang inyong mga mamamayan;iligtas nʼyo rin ako kapag iniligtas nʼyo na sila,
5. upang akoʼy maging bahagi rin ng kaunlaran ng inyong bansang hinirang,at makadama rin ng kanilang kagalakan,at maging kasama nila sa pagpupuri sa inyo.
6. Kami ay nagkasala sa inyo katulad ng aming mga ninuno;masama ang aming ginawa.
7. Nang silaʼy nasa Egipto, hindi nila pinansin ang kahanga-hangang mga ginawa ninyo.Nilimot nila ang mga kabutihang ipinakita nʼyo sa kanila,at silaʼy naghimagsik sa inyo doon sa Dagat na Pula.
8. Ngunit iniligtas nʼyo pa rin sila,upang kayo ay maparangalanat maipakita ang inyong kapangyarihan.
9. Inutusan ng Panginoon ang Dagat na Pula na matuyo, at itoʼy natuyo;pinangunahan niya ang kanyang mga mamamayan na makatawid na parang lumalakad lamang sa disyerto.
10. Iniligtas niya sila sa kanilang mga kaaway.