41. Pinabitak niya ang bato at bumukal ang tubig.Umagos ito na parang ilog sa tuyong lupa.
42. Ang lahat ng ito ay ginawa ng Dios dahil hindi niya kinalimutan ang kanyang pangako kay Abraham na kanyang lingkod.
43. Pinalabas niya sa Egipto ang kanyang mga mamamayan na masayang-masaya at sumisigaw sa kagalakan.
44. Ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng ibang bansa;ipinamana sa kanila ang pinaghirapan ng iba.
45. Ginawa ito ng Diosupang sundin nila ang kanyang mga tuntunin at kautusan.Purihin ang Panginoon!