27. Ipinakita nila sa lupain ng mga lahi ni Ham ang mga himala na ginawa ng Dios.
28. Pinadilim ng Dios ang lupain ng Egipto,ngunit sumuway pa rin sila sa kanyang mga utos.
29. Ginawa niyang dugo ang kanilang mga tubig,kaya namatay ang kanilang mga isda.
30. Napuno ng palaka ang kanilang lupain, at pinasok pati ang mga silid ng kanilang mga pinuno.
31. Nag-utos ang Dios, at dumating sa kanilang lupain ang napakaraming niknik at langaw.
32. Sa halip na ulan ang ibinigay sa kanilang lupain, yelo ang bumagsak na may kasamang mga kidlat.
33. Sinira niya ang tanim nilang mga ubas, mga puno ng igos,at iba pang mga punongkahoy.
34. Sa kanyang utos, dumating ang mga balang na hindi mabilang.
35. At kinaing lahat ang kanilang mga tanim, pati ang mga bunga nito.
36. Pinatay ng Dios ang lahat nilang panganay na lalaki.
37. Pagkatapos nito, pinalabas niya ang mga taga-Israel sa lupain ng Egipto na wala ni isa mang napahamak,at may dala pa silang mga pilak at ginto.At sa kanilaʼy wala ni isa mang napahamak.
38. Natuwa ang mga Egipcio nang umalis ang mga taga-Israel, dahil takot sila sa kanila.
39. Sa kanilang paglalakbay, naglagay ang Dios ng ulap na lililim sa kanila sa init ng araw at kung gabiʼy apoy naman upang magbigay sa kanila ng liwanag.