Salmo 105:21-26 Ang Salita ng Dios (ASND)

21. at ginawa siyang tagapamahala ng kanyang palasyo at mga ari-arian.

22. Bilang tagapamahala, may kapangyarihan siyang turuan ang mga pinuno sa nasasakupan ng hari pati ang kanyang mga tagapayo.

23. Pagkatapos, pumunta si Jacob at ang kanyang pamilya sa Egipto, na lupain ng mga lahi ni Ham,at doon sila nanirahan bilang dayuhan.

24. Pinarami ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan,at naging makapangyarihan kaysa sa mga Egipcio na kanilang kaaway.

25. Pinahintulutan ng Panginoon na galitin at lokohin ng mga Egipcio ang mga mamamayan na kanyang lingkod.

26. Sinugo niya si Moises na kanyang lingkod at si Aaron na kanyang hinirang.

Salmo 105