Salmo 105:2-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Awitan nʼyo siya ng mga papuri;ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa.

3. Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan.Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa Panginoon.

4. Magtiwala kayo sa Panginoon,at sa kanyang kalakasan.Palagi kayong dumulog sa kanya.

7. Siya ang Panginoon na ating Dios,siya ang humahatol sa buong mundo.

8. Hindi siya makakalimot sa kanyang pangako kailanman – ang kanyang pangako para sa maraming salinlahi

9. – ang pangako niya kay Abraham, gayon din kay Isaac.

10. Ipinagpatuloy niya ang kasunduang ito kay Jacob,at magpapatuloy ito magpakailanman.

11. Sinabi niya sa bawat isa sa kanila,“Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaan bilang pamana ko sa iyo at sa iyong mga angkan.”

12. Noon ay iilan pa lang ang mga mamamayan ng Dios,at mga dayuhan pa lang sila sa lupain ng Canaan.

13. Nagpalipat-lipat sila sa mga bansa at mga kaharian.

14. Ngunit hindi pinahintulutan ng Dios na apihin sila.Para maproteksyunan sila, sinaway niya ang mga hari na kumakalaban sa kanila.

15. Sinabi niya,“Huwag ninyong galawin ang hinirang kong mga lingkod,huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.”

16. Nagpadala ang Dios ng taggutom sa lupain ng Canaan.Kinuha niyang lahat ang kanilang pagkain.

17. Ngunit pinauna na niya si Jose sa Egipto upang silaʼy tulungan.Ipinagbili siya roon upang maging alipin.

Salmo 105