Salmo 105:12-28 Ang Salita ng Dios (ASND)

12. Noon ay iilan pa lang ang mga mamamayan ng Dios,at mga dayuhan pa lang sila sa lupain ng Canaan.

13. Nagpalipat-lipat sila sa mga bansa at mga kaharian.

14. Ngunit hindi pinahintulutan ng Dios na apihin sila.Para maproteksyunan sila, sinaway niya ang mga hari na kumakalaban sa kanila.

15. Sinabi niya,“Huwag ninyong galawin ang hinirang kong mga lingkod,huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.”

16. Nagpadala ang Dios ng taggutom sa lupain ng Canaan.Kinuha niyang lahat ang kanilang pagkain.

17. Ngunit pinauna na niya si Jose sa Egipto upang silaʼy tulungan.Ipinagbili siya roon upang maging alipin.

18. Kinadenahan ang kanyang mga paa at nilagyan ng bakal ang kanyang leeg,

19. hanggang sa nangyari ang kanyang propesiya.Ang mga sinabi ng Panginoon na naganap sa kanya ay nagpatunay na siyaʼy matuwid.

20. Pinalaya siya ng hari ng Egipto na namamahala sa maraming tao,

21. at ginawa siyang tagapamahala ng kanyang palasyo at mga ari-arian.

22. Bilang tagapamahala, may kapangyarihan siyang turuan ang mga pinuno sa nasasakupan ng hari pati ang kanyang mga tagapayo.

23. Pagkatapos, pumunta si Jacob at ang kanyang pamilya sa Egipto, na lupain ng mga lahi ni Ham,at doon sila nanirahan bilang dayuhan.

24. Pinarami ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan,at naging makapangyarihan kaysa sa mga Egipcio na kanilang kaaway.

25. Pinahintulutan ng Panginoon na galitin at lokohin ng mga Egipcio ang mga mamamayan na kanyang lingkod.

26. Sinugo niya si Moises na kanyang lingkod at si Aaron na kanyang hinirang.

27. Ipinakita nila sa lupain ng mga lahi ni Ham ang mga himala na ginawa ng Dios.

28. Pinadilim ng Dios ang lupain ng Egipto,ngunit sumuway pa rin sila sa kanyang mga utos.

Salmo 105