Salmo 104:3-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

3. Itinayo nʼyo ang inyong tahanan sa itaas pa ng kalawakan.Ginawa nʼyo ang mga alapaap na inyong sasakyan,at inililipad ng hangin habang kayoʼy nakasakay.

4. Ginagawa nʼyong tagapaghatid ng balita ang hangin,at ang kidlat na inyong utusan.

5. Inilagay nʼyo ang mundo sa matibay na pundasyon,kaya hindi ito matitinag magpakailanman.

6. Ang tubig ay ginawa nʼyong parang tela na ipinambalot sa mundo,at umapaw hanggang sa kabundukan.

7. Sa inyong pagsaway na parang kulog, nahawi ang tubig,

8. at itoʼy umagos sa mga kabundukan at mga kapatagan,hanggang sa mga lugar na inyong inilaan na dapat nitong kalagyan.

9. Nilagyan nʼyo ito ng hangganan, upang hindi umapaw ang tubig,para hindi na muling matabunan ang mundo.

10. Lumikha ka ng mga bukal sa mga lambak,at umagos ang tubig sa pagitan ng mga bundok.

11. Kaya lahat ng mga hayop sa gubat,pati mga asnong-gubat ay may tubig na maiinom.

Salmo 104