Salmo 104:26-35 Ang Salita ng Dios (ASND)

26. Ang mga barko ay parooʼt parito sa karagatan,at doon din lumalangoy-langoy ang nilikha nʼyong dragon na Leviatan.

27. Lahat ng inyong nilikha ay umaasa sa inyo ng kanilang pagkain, sa oras na kanilang kailanganin.

28. Binibigyan nʼyo sila ng pagkain at kinakain nila ito,at silaʼy nabubusog.

29. Ngunit kung pababayaan nʼyo sila, matatakot sila;at kapag binawi nʼyo ang kanilang buhay, silaʼy mamamatay at babalik sa lupa.

30. Nalilikha sila kapag binigyan mo ng hininga,at sa ganoong paraan, binibigyan nʼyo ng bagong nilalang ang mundo.

31. Panginoon, sana ay magpatuloy ang inyong kaluwalhatian magpakailanman.Sanaʼy magalak kayo sa lahat ng inyong nilikha.

32. Nayayanig ang mundo kapag inyong tinitingnan.Kapag hinipo nʼyo ang bundok, itoʼy umuusok.

33. Aawit ako sa Panginoon habang nabubuhay.Aawit ako ng papuri sa aking Dios habang may hininga.

34. Sanaʼy matuwa siya sa aking pagbubulay-bulay.Akoʼy magagalak sa Panginoon.

35. Lipulin sana ang masasama, at ang mga makasalanan sa mundo ay tuluyan nang mawala.Pupurihin ko ang Panginoon.Purihin ang Panginoon!

Salmo 104